IN PHOTOS: Launching at Turn Over ng Hooked on Books Library at Reading Program sa Pinagbuhatan Elementary School
February 3, 2025



















Pormal nang inilunsad at binuksan ang Hooked on Books (HOB) Library at ang kaakibat na Reading Program nito sa Pinagbuhatan Elementary School ngayong araw, February 3, 2025.
Bilang bahagi ng paglunsad ng ika-21 HOB Library sa bansa, nagkaroon ng isang maikling programa sa nasabing beneficiary school, kung saan nagbigay ng makabuluhang mensahe sina Pinagbuhatan Elementary School Principal Josephine Macawile at Schools Division Office (SDO)- Pasig Chief Education Supervisor Dr. Victor Javeña. Parte rin ng programa ang pag-award ng Certificates sa volunteers at partner organizations bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon para sa pag-set up ng pasilidad.
Ang ceremonial turnover ng HOB Library na naglalaman ng sari-saring children’s books ay pinangunahan ni LINKS PH President Maria Consuelo Doble at mainit na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pangunguna ni Councilor Corie Raymundo, ang Chairperson ng Committee on Education ng 11th Sangguniang Panlungsod ng Pasig.
Pinangunahan naman ni Mayor Vico Sotto ang Ribbon Cutting at ang paglibot sa pasilidad bilang bahagi ng Blessing nito. Sa kanyang mensahe, nagpasalamat siya sa lahat ng organisasyon at volunteers na nagtulungan para maging posible ang paglunsad ng HOB Library sa lungsod. Hinikayat din niya ang mga mag-aaral ng Pinagbuhatang Elementary School at ang mga kabataang Pasigueño na ugaliing magbasa dahil isa ito sa mga pinakamagandang paraan para magtagumpay sa buhay.
Sinundan ito ng isang Storytelling na dinaluhan ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Naging matagumpay ang aktibidad na ito sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng tanggapan ni Coun. Corie Raymundo, sa LINKS PH at SDO-Pasig, kasama ang pribadong sektor na nagkaloob ng resources tulad ng muwebles, pintura, ilaw, mga libro, at iba pa.