IN PHOTOS: Inagurasyon ng Dry Standpipe System sa AJA Compound, Bukluran, Brgy. Rosario
February 12, 2025











Pinasinayaan ang dry standpipe system sa AJA Compound, Bukluran, Brgy. Rosario ngayong araw, February 12, 2025. Layon ng proyektong ito ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) at City Engineering Office na magkaroon ng supply ng tubig kung sakaling kailanganin para sa pagsugpo ng sunog.
Parte ng naging inagurasyon ay ang naging demo at pagsasanay para sa mga residente kung paano ang wasto at ligtas na paggamit nito na pinangunahan naman ng Bureau of Fire Protection - Pasig at Operations Division ng Pasig City DRRMO.