IN PHOTOS: Deployment ng Batch 4 Interns ng Programang Special Program for Employment of Students โ In-School Youth
June 2, 2025




๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฒ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ก ๐ ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐ฉ๐๐๐ข๐๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐๐จ๐ซ ๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฒ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐จ๐ ๐๐ญ๐ฎ๐๐๐ง๐ญ๐ฌ โ ๐๐ง-๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก
Opisyal nang na-deploy ang 374 na interns sa ibaโt ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa Batch 4 ng programang Special Program for Employment of Students โ In-School Youth (SPES-ISY) matapos ang ginanap na weekly flag-raising ceremony ngayong araw, June 2, 2025.
Para sa batch ng SPES-ISY na ito, ang mga intern na pumasa sa screening process ay kinakailangang mag-report sa kani-kaniyang assigned City Hall offices at departments simula ngayong araw, June 2, 2025 hanggang July 1, 2025. Siniguro naman ng Public Employment Service Office, ang opisina sa lokal na pamahalaan na nagha-handle ng nasabing programa, na ang schedule ng deployment ng interns ay hindi makakaapekto sa pagsisimula ng kanilang pasok sa paaralan.
Sa mensahe ni Mayor Vico Sotto bilang pagbati at pagbibigay inspirasyon sa mga intern, binigyang-diin niya na ang pagpasa ng mga ito sa screening at assessment process ay patunay na maayos, walang palakasan, at patas ang proseso ng aplikasyon sa SPES.
Binanggit din niya na ang 60% ng sahod ng interns ay magmumula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig at ang 40% naman ay mula sa Department of Labor and Employment. Ipinaalala rin ni Mayor Vico sa mga ito na kaakibat ng pagtanggap ng sahod mula sa kaban ng bayan, malaki man o maliit ang halaga nito, ang mas mataas responsibilidad na kinakailangan nilang gampanan.
โ
Sa pamamagitan ng mga programa ng lokal na pamahalaan gaya ng SPES, nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Pasigueรฑo na magkaroon ng karanasan sa pagbibigay serbisyo publiko at makatanggap ng karagdagang suportang pinansyal para sa kanilang pag-aaral.