IN PHOTOS: 2nd Quarter DRRM Council Meeting

May 15, 2025




𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒: 𝟐𝐧𝐝 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 𝐃𝐑𝐑𝐌 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠

Jam-packed ang agenda sa ginanap na 2nd Quarter Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) Meeting kahapon, May 14, 2025 sa People's Reception Area ng Temporary Pasig City Hall.

Highlight ng DRRMC Meeting ang naging presentasyon ng ARISE Philippines | Private Sector Alliance for Disaster Resilient Societies at ng National Resilience Council (NRC) sa pangunguna ni ARISE PH Executive Director Dr. Joseph Bacareza at isa sa NRC Incorporators Vice Admiral Alexander P Pama AFP (Ret). Tampok sa nasabing presentations ang mga programa ng ARISE PH at NRC na maaaring makatulong sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa efforts nito na patuloy pang palakasin ang DRRM sa lungsod.

Sinundan ito ng naging presentation ni Pasig City DRRMO Chief Bryant Wong patungkol sa naging resulta ng naging workshops para mabuo ang panukalang Local Disaster Risk Reduction and Management Fund Investment Plan (LDRRMFIP) para sa taong 2026 at updates naman tungkol sa attributions para sa LDRRMFIP 2025. 

Bukod sa mga ito ay tinalakay din ang #Halalan2025 Incident Management Team activation noong May 12-13, 2025, kung saan nagkaroon ng presentation sa pangunguna naman ni IMT Lead Peace and Order Department Head Col Rodrigo De Dios (Ret) at inputs mula kay City Treasurer Marita Calaje tungkol sa updates pa sa #Halalan2025, bilang lead office para sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, at City Social Welfare and Development Office Head Ma. Teresa Briones tungkol sa naging accomplishment ng pagbubukas ng 30 Child Development Centers para magbigay daan sa pagboto ng mga magulang/guardian. Ang mga feedback tungkol sa kabuuang election process at concerns, ayon sa mga naging karanasan sa #Halalan2025 ay ico-consolidate at pormal na ipapaalam sa Commission on Elections.

Bago magtapos ang pagpupulong ay nagkaroon din ng presentasyon tungkol sa 2025 Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) Overview. Tinalakay dito ni DRRMO Research and Planning Division Chief Aaron Omaña ang requirements o mga kailangang ihanda para sa 2025 round ng Gawad KALASAG. Matatandaang noong 2023 at 2024 ay nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang Gawad KALASAG Seal of Excellence | Beyond Compliant para sa Local Disaster Risk Reduction and Management and Offices (LDRRMOs) Category.

Kada matapos ang bawat parte ng agenda, binibigyang pagkakataaon ang Council Members na binubuo ng iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, at mga kinatawan mula sa national government agencies, private partners, at civil society organizations, na magtanong o mag-raise ng concerns sa mga naging presentasyon.