Ilan sa paghahanda sa Lungsod ng Pasig kaugnay ng Bagyong #OpongPH

September 25, 2025



๐ˆ๐ฅ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ง๐๐š ๐ฌ๐š ๐‹๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ข๐  ๐ค๐š๐ฎ๐ ๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฒ๐จ๐ง๐  #๐Ž๐ฉ๐จ๐ง๐ ๐๐‡

Kasunod ng ginanap na Pre-Disaster Risk Assessment para sa Bagyong Opong kahapon, agarang gumawa na ng hakbang ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa tulong ng mga Pamahalaang Barangay para sa paghahanda sa mga posibleng maging epekto ng bagyo sa lungsod.

Simula kaninang umaga ay nag-umpisa nang mag-preposition ng tents at iba pang equipment sa ilan sa areas na kadalasang ginagamit bilang evacuation sites sa lungsod.

Bukod pa rito, bilang parte ng halos araw-araw na Oplan Kaayusan sa Pasig, parte rin ng paghahanda sa posibleng pagbaha ang operations kaugnay ng de-clogging ng mga drainage sa lungsod. Nagkaroon din ng pag-check ng lagay ng pumping stations.

Patuloy din ang pag-monitor ng lagay ng panahon at pakikipag-ugnayan sa mga barangay. 

Para sa emergencies, tumawag sa Pasig City Emergency Hotline: 8643 0000.

#PasigHanda