I-celebrate ang Valentine’s Day sa Workers’ Affairs Caravan!

February 13, 2026



Muling ibinabahagi ng Pamahalaang Lungsod ang paanyaya para sa Workers’ Affairs Caravan bukas, February 14, 2026. 

Hinihikayat ang lahat ng employer at empleyado sa Pasig City na makiisa sa makabuluhang gawain na ito na naglalayong patatagin ang maayos at produktibong ugnayan sa lugar ng trabaho.

Sa pakikipagtulungan sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan at sa Tripartite Industrial Peace Council, hatid ng Pasig City Public Employment Service Office ang ilang serbisyo, di lamang para sa mga manggagawang Pasigueño, kundi para sa employer ng mga ito. 

Basahin ang buong detalye sa orihinal na post. Para sa listahan ng mga ipagkakaloob na serbisyo, tingnan ang Photo #2. 

Makilahok, makiisa, at maging bahagi ng mas maayos na ugnayan sa paggawa!

Sama sama nating ipagdiwang bukas ang pagmamahal sa paggawa!