Healthy Holidays: Pag-iinit ng Pagkain
January 2, 2026
Nakapag-init na ba ang lahat?
Healthy Holidays, mga Pasigueño!
Ilang paalala bago ang next round ng kain:
✔️ Siguraduhing mainit hanggang loob ang ulam
✔️ Huwag hayaang matagal nakatambay sa mesa ang pagkain
❌ At huwag na huwag gawing “all-you-can-reheat” ang parehong ulam
Para iwas LBM, iwas food poisoning, at iwas holiday drama—siguraduhing ligtas ang pagkain bago sumubo!
May amoy?
Mukhang panis?
May slime?
Stop na. Itapon na.
Mas okay nang magtira ng ulam kaysa magka-LBM ang buong pamilya.
Ngayong Pasko at Bagong Taon, mas masaya ang handaan kapag ligtas ang lahat.
Kain nang wais, maging healthy, at i-enjoy lang ang holidays!
#PasigCityHealth
#InitNaBa
#IwasFoodPoisoning