Happy Pride Month 2026!

June 1, 2026

Makulay ang Lungsod ng Pasig dahil sa iba’t ibang kwento at pagkakakilanlan ng bawat Pasigueño.
Ngayong Pride Month, sama-sama nating ipagdiwang ang isang komunidad na makulay, matapang, at malaya. Nawa’y magsilbing paalala rin ang selebrasyong ito na walang mali sa pagiging totoo sa iyong sarili!
Kaya naman sa isang lungsod na may pag-unawa at pagtanggap, patuloy nating isinusulong ang pagmamahal, paggalang, at pagpapahalaga sa bawat isa.
Happy Pride Month, Pasigueños!