HANDOG NG MGA PASIGUEÑO PARA SA MGA NASALANTA NG BAGYONG JULIAN AT KRISTINE
November 8, 2024
HANDOG NG MGA PASIGUEÑO PARA SA MGA NASALANTA NG BAGYONG JULIAN AT KRISTINE
Mula kay Mayor Vico Sotto:
Itinakda ng Malakanyang ang ika-4 ng Nobyembre 2024 (Lunes) bilang "Pambansang Araw ng Pagluluksa para sa mga Biktima ng Bagyong Kristine." Mahigit 150 ang nasawi at nasa 2 milyon ang apektado sa buong bansa.
Kaya pagkatapos ng flag-raising ceremony noong Lunes ay inaprubahan nina VM Dodot Jaworski at ng Sangguniang Panlungsod ang rekomendasyon ng Disaster Risk Reduction and Management Council para sa DONASYON SA MGA LOKAL NA PAMAHALAAN NA NASA ILALIM NG "STATE OF CALAMITY."
(Note: ang pondo ay galing sa "Special Trust Fund" ng lungsod para sa Disaster Risk Reduction and Management [DRRM]; ibig sabihin bawal din gamitin ang pondong ito sa ibang bagay bukod sa DRRM.)
Naapektuhan at namahagi rin ang Pasig ng relief goods, pero maswerte pa rin tayo dahil hindi tayo kasing "hard hit," mabilis humupa ang mga baha, at nasa posisyon tayo ngayon para tumulong sa mga higit na nangangailangan.
Patuloy rin nating ipagdasal ang mga naapektuhan ng Bagyong Kristine (at Julian), at kung kaya nating tumulong kahit sa ating personal na kapasidad ay gawin natin ito.
Maraming salamat, mga Pasigueño! #UmaagosAngPagasa