Hanap mo ba ay Trabaho? Punta na sa DOLE Trabaho Agad Job Fairs!

June 5, 2026



Sa paggunita ng 128th Araw ng Kalayaan, isasagawa ang ๐——๐—ข๐—Ÿ๐—˜ ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—•๐—”๐—›๐—ข ๐—”๐—š๐—”๐—— ๐—๐—ข๐—• ๐—™๐—”๐—œ๐—ฅ๐—ฆ sa June 12, 2026, simula 09:00AM hanggang 03:00PM, na gaganapin sa Main Atrium, SM City East Ortigas, Brgy. Sta. Lucia, Pasig City. 

May 35 local companies at 5 overseas manpower agencies na lalahok sa aktibidad at magbubukas ng iba't ibang oportunidad para sa mga jobseeker.

Bukod sa mga local at overseas company na maaaring applyan ng trabaho, mayroon ding ONE-STOP SHOP para sa first-time jobseekers kung saan maaaring makakuha ng libreng dokumento gaya ng police clearance at NBI clearance, pati na rin ang magparehistro sa Pag-IBIG Fund, PhilHealth, at SSS.

Para makapag-avail ng libreng serbisyo, tiyaking dala ang mga sumusunod na dokumento sa araw ng aktibidad: 

- ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป na nagpapatunay na ikaw ay first-time jobseeker at residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang residente ng nasabing barangay)

- ๐—ข๐—ฎ๐˜๐—ต ๐—ผ๐—ณ ๐—จ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด mula sa barangay bilang patunay na ikaw ay first-time jobseeker

- ๐——๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด (๐Ÿฎ) ๐˜ƒ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฑ ๐—ด๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜-๐—ถ๐˜€๐˜€๐˜‚๐—ฒ๐—ฑ ๐—œ๐——๐˜€

Makikibahagi rin ang Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration, Bureau of Internal Revenue, at Philippine Statistics Authority upang magbigay ng impormasyon at tulong sa pamamagitan ng kanilang mga help desk.

Naroon din ang Technical Education and Skills Development Authority at ang Pasig City Skills Development Office โ€“ Pasig City Institute of Science and Technology para sa mga nais mag-enroll sa skills training at makakuha ng National Certification.

Maaaring mag-pre-register sa pamamagitan ng link na ito: https://bit.ly/DOLETrabahoAgadJobFairsRegistration, o i-scan ang QR code na nasa Photo #1. Mahalagang ihanda ang soft copy ng inyong updated resume dahil kailangan itong isumite sa online registration. 

Bukod sa soft copy, ihanda na rin ang maraming hard copy ng inyong updated resume at sariling ballpen sa mismong araw ng job fair upang mas marami kayong mapag-applyang kumpanya. 

Tingnan ang Photo #3 para sa listahan ng mga kumpanyang lalahok.

โ€“

Samantala, makikibahagi rin ang Bureau of Jail Management and Penology na may hatid na career opportunities para sa mga interesadong aplikante. Para sa detalye ng kanilang qualifications at requirements, tingnan ang Photo #2.

โ€“

Ang DOLE Trabaho Agad Job Fairs ay naging posible dahil sa pagtutulungan ng  Department of Labor and Employment at Pasig City Public Employment Service Office (PESO). 

Nakipagtulungan din ang PESO sa iba't ibang ahensya ng pambansang pamahalaan at mga partner employer upang maisakatuparan ang aktibidad na ito.

Layunin nitong patuloy na magbigay ng mga oportunidad sa trabaho at makatulong sa mga mamamayan na makahanap ng hanapbuhay na naaayon sa kanilang kakayahan at kwalipikasyon.