GIP OSY 2026 Application, Muling Bubuksan sa August 17, 2026
August 12, 2026


Sa darating na Lunes, August 17, 2026, muling bubuksan ang aplikasyon para sa Government Internship Program o GIP. Layon ng programang ito na mabigyan ng pagkakataon ang mga out-of-school youth (OSY) na edad 18-29 years old na makapag-trabaho bilang intern sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Sa round na ito ng GIP, inaanyayahang mag-apply ang mga OSY na kasalukuyang hindi enrolled o hindi nag-aaral, at hindi rin mag-aaral sa susunod na semester.
Kaya’t kung pasok ka sa kwalipikasyon para sa programang ito, abangan ang ONLINE APPLICATION FORM LINKS sa August 17, 2026, na ipo-post sa official Facebook Page ng Pasig City Public Information Office. Bubuksan lamang ang mga link simula 01:00PM hanggang 03:00PM kaya siguraduhing nakahanda ang soft copy ng inyong requirements.
Gabay sa pagbabasa ng material:
Photo 1: Schedule ng online application at implementation period ng GIP
Photo 2: Qualifications at requirements
Photo 3: Proseso para makapag-apply sa GIP
PAALALA: Gaya ng mga nakalipas na aplikasyon, magkaiba ang link na sasagutan ng mga aplikante mula sa mga barangay ng District 1 at District 2. Siguraduhing tama ang application link na inyong sasagutan.
–
Sa GIP OSY na ito, 100 slots lamang ang bubuksan para sa mga aplikante mula sa District 1 at District 2. Tatanggapin ng Pasig City Public Employment Service Office ang unang 40 qualified applicants mula sa District 1 at unang 60 qualified applicants mula sa District 2. Ang mga matatanggap na intern ay inaasahang handang pumasok sa trabaho simula September 1, 2026 hanggang December 29, 2026.
Dahil ipinapatupad pa rin sa lokal na pamahalaan ang Executive Order No. PCG-22, s. 2026 o ang temporary four-day compressed workweek, ang mga intern na maa-assign sa mga opisina ng lokal na pamahalaan na saklaw ng implementasyong ito ay kinakailangang pumasok sa Temporary Pasig City Hall o sa iba pang lokasyon ng mga tanggapan mula Lunes hanggang Huwebes, 07:00AM - 06:00PM.
Gayunpaman, ang oras ng pagpasok ay maaari pa rin magbago depende sa prevailing work arrangement na ipatutupad sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa loob ng implementation period.
–
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Ihanda na ang inyong requirements at abangan ang online application form links sa August 17, 2026!