GIP OSY 2026 APPLICATION DAY NA!

January 19, 2026



Mamayang 01:00PM, bubuksan na ang online application form links para sa Government Internship Program – Out-of-School Youth (GIP-OSY)!

Kaya’t ngayon pa lang, i-double check na kung kumpleto, malinaw, at handa na ang inyong requirements, pati na rin ang mga soft copy o larawan ng mga ito para tuloy-tuloy ang pag-upload mamaya! 

Muling ipinapaalala na magkaiba ang application form links para sa mga barangay ng District 1 at District 2. Basahing mabuti at siguraduhing tama ang link na inyong sasagutan upang maiwasan ang anumang aberya sa aplikasyon! 

I-ready na ang inyong sarili at requirements, at abangan ang pagbubukas ng links mamayang 01:00PM!