GIP OSY 2025 | Online Application Links

June 16, 2025

π†πŽπ•π„π‘ππŒπ„ππ“ πˆππ“π„π‘ππ’π‡πˆπ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ πŽπ”π“-πŽπ…-π’π‚π‡πŽπŽπ‹ π˜πŽπ”π“π‡ (π†πˆπ πŽπ’π˜)Β  π‹πˆππŠπ’ π“πŽ 𝐓𝐇𝐄 πŽππ‹πˆππ„ π€πππ‹πˆπ‚π€π“πˆπŽπ π…πŽπ‘πŒ:Β 

DISTRICT 1: https://bit.ly/GIP2025Application-June2025_District1Β 

DISTRICT 2: https://bit.ly/GIP2025Application-June2025_District2Β 

Ang online application form links para sa GIP OSY ay accessible lamang ngayong araw, June 16, 2025, simula 01:00PM hanggang 03:00PM. Mayroong 350 slots ang bubuksan para sa round ng GIP OSY na ito.Β 

PAALALA: Magkaiba po ang link na dapat sagutan ng mga aplikante mula sa mga barangay ng DISTRICT 1 at DISTRICT 2. Maaring i-check ang post na ito para sa listahan ng qualifications, requirements, proseso, at mga barangay kada distrito: https://bit.ly/GIPApplicationProcess_June2025Β 

Para mapunan ang 350 slots, unang 150 qualified applicants para sa District 1 at unang 200 qualified applicants naman para sa District 2 ang tatanggapin ng Public Employement Service Office. Kaya para sa mga interesadong sumali sa programang ito, siguraduhing tama ang application form link na inyong sasagutan!Β 

Ang mga matatanggap na aplikante ay required mag-report ng anim na buwan (July 1, 2025 - December 31, 2025) sa Temporary Pasig City Hall o iba pang lokasyon ng tanggapan ng lokal na pamahalaan, mula Lunes hanggang Biyernes, 07:00AM-04:00PM o 08:00AM-05:00PM, liban kung holiday.