Ginoong Pasigueño 2025 Outreach Program

June 24, 2025

Bumisita ang mga kandidato ng Ginoong Pasigueño 2025 sa Bahay Aruga ng Kanlungan sa Pasig, bilang bahagi ng kanilang Outreach Program kahapon, June 23, 2025.
Naghatid ng saya at inspirasyon ang 15 kalahok sa mga batang kasalukuyang naninirahan at binibigyang kalinga sa nasabing kanlungan.
One for the books ang kanilang naging pagdalaw dahil bukod sa pagbibigay ng motivational messages sa mga bata na bumusog sa puso ng mga ito, nakapaghandog din ang mga kandidato ng mga pagkain na nagpabusog naman sa tiyan ng bagets.
Maliban pa riyan, namahagi rin ang grupo ng hygiene kits bilang mahalagang paalala sa mga kabataan sa kahalagahan ng kalinisan sa katawan.
Mula sa ating mga Ginoong Pasigueño, isa itong patunay na ang kakisigan ay hindi lamang nakikita sa panlabas na anyo, kundi nasasalamin din sa kabutihang loob at malasakit sa kapwa.
___
Ang Outreach Program ng Ginoong Pasigueño 2025 ay parte ng pagdiriwang ng Araw ng Pasig 2025. Ito ay naging posible sa pagtutulungan ng Office of the City Mayor - Events Management Unit at City Social Welfare and Development Office.