Gender Sensitivity Trainings ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa 2025, Nagsimula na!

May 22, 2025

𝐎𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐧𝐠 𝐆𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐒𝐞𝐧𝐬𝐢𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐢𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟓.
-
Sa pangunguna ng Human Resource Development Office, sa pamamagitan ng kanilang Learning and Development Division, opisyal nang sinimulan noong May 19, 2025 ang roll out ng Gender Sensitivity Training (GST) para sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Pasig ngayong 2025.
Layunin ng pagsasanay na ito na itaas ang kamalayan at palalimin ang kaalaman ng bawat kawani hinggil sa mga isyung may kinalaman sa kasarian; puksain ang anumang anyo ng gender bias at diskriminasyon sa loob ng workplace; at makabuo ng isang ligtas, pantay, at inklusibong lipunan para sa lahat ng kasarian.
Target ngayong 2025 na makapagpasailalim sa GST ng nasa 3,000 kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, bilang bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng lungsod para sa gender-responsive, patas, at makataong serbisyo publiko.