Free Bike Lessons sa Emerald Ave. | May 10, 2025

May 7, 2025

Magkakaroong muli ng libreng bike lessons sa Emerald Avenue sa darating na Sabado, May 10, 2025!

Sa mga interesadong sumali, mag-register gamit ang link na ito: https://bit.ly/Pasig_FreeBikeLessons_Reg o kaya naman ay i-scan ang QR code sa material.

Bukas ang online registration hanggang 05:00PM sa Biyernes, May 9, 2025.

Makakatanggap ng confirmation email mula sa Pasig Transport ang successful registrants. Magpunta lamang sa People's Street area ng Barangay San Antonio, mula 07:00AM hanggang 11:00AM.

MGA PAALALA:
-Para sa batang participants na may edad 8 pababa, mainam na magdala ng sariling bike na angkop sa kanilang tangkad/laki/edad para masiguro ang kanilang kaligtasan habang nagsasanay.
-Dahil sa mataas na Heat Index (“Extreme Caution”) sa Metro Manila na iniulat ng PAGASA, ipinapayo ang pagsusuot ng preskong damit na naaayon sa aktibidad at ang pagdadala ng damit pamalit, bimpo, at sapat na inuming tubig para makatulong na maibsan ang init.

Kita-kits!