Free Bike Lessons sa Emerald Ave. | March 8, 2025
March 5, 2025
Sa mga nais matutong magbike, ito na ang hinihintay ninyo!
Bukas na ang registration dahil magkakaroong muli ng libreng bike lessons sa darating na Sabado, March 8, 2025!
Para sa mga interesado, mag-register gamit ang link na ito: https://bit.ly/Pasig_FreeBikeLessons_Reg o i-scan ang QR code sa material. Maaaring mag-register hanggang sa Biyernes, March 7, 2025, 05:00PM.
Siguraduhing tama ang email address (at contact number) na ilalagay sa online registration dahil magpapadala ng confirmation email ang Pasig Transport para sa mga nakapag-register.
Bagamat bukas ang libreng bike lessons sa lahat, kung ang edad ng ire-register ay 8 years old at pababa, pinapakiusap na magdala ng sariling bike para masiguro na angkop sa kanilang tangkad/laki/edad ang gagamiting bike sa pagtuturo.
Para sa mga magre-register (at siguradong di kami iindianin), kita kits sa Sabado sa Emerald Ave.!
Ang proyekto na ito ay naging posible sa pangugnuna ng City Transporation Development and Management Office.