Free Bike Lessons sa Emerald Ave. | February 8, 2025
February 4, 2025
Isa pa rin ba ang matutong mag-bike sa New Year's Resolution o bucket list mo? Pwes, ito na ang sign na hinihintay mo!
Sa darating na Sabado, February 8, 2025, magsisimula na uli ang roll out ng libreng bike lessons para sa taong 2025 sa pangunguna ng Pasig Transport!
Para mas mapaghandaan ang bike lessons, bibigyang prayoridad ang mga makakapag-register online.
Kaya naman sa mga interesadong maka-avail ng libreng bike lessons na ito, mag-register gamit ang link na ito: https://bit.ly/Pasig_FreeBikeLessons_Reg o kaya naman ay i-scan ang QR code sa material.
Kita kits sa Sabado!