Free Bike Lessons sa Emerald Ave. | February 22, 2025
February 18, 2025
Sa mga nakapag-register noong unang linggo ng February 2025, i-check na muli ang inyong e-mail dahil nakapagpadala na ng confirmation message at schedule ang team para sa darating na libreng bike lessons sa Sabado, February 22, 2025!
Sa kasalukuyan ay limitado pa ang bikes na naipapagamit kapag may free bike lessons, kaya para sa mga nakapag-register na edad 10 gulang pababa, kung may kakayahan na makapagdala ng sariling bike, pinapakiusap na dalhin ito para mas maging angkop sa edad at taas (height) ang bike na gagamitin sa pagtuturo.
Kita kits tayong muli sa Sabado, sa People's Street ng Barangay San Antonio na matatagpuan sa Emerald Ave. para sa libreng bike lessons handog ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng Pasig Transport!