Free Bike Lessons 2025 in Numbers

January 29, 2026

Pasigueños! 

Alam niyo ba na nakapagsagawa ng 19 bike lessons ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig noong 2025? 

Tinangkilik ito ng nasa 408 kalahok mula sa iba’t ibang age groups: mga bata, teens, at adults kabilang ang senior citizens. 

I-check ang material para sa iba pang detalye. 

Ngayong 2026, tuloy pa rin ang paghahandog ng Free Bike Lessons sa mga Pasigueño, sa pangunguna ng Pasig Transport. 

Kung ikaw ay baguhan sa pagbibisikleta o kailangan pa ng praktis, huwag palampasin ang pagkakataong matuto at sumubok ng bagong skill!

Ang unang session ay gaganapin sa darating na Sabado, January 31, 2026, 07:00AM-11:00AM, sa People’s Street ng Barangay San Antonio!

Kailangan lamang makapag-register bago mag-05:00PM bukas, Biyernes, January 30, 2026, sa link na ito: https://bit.ly/Pasig_FreeBikeLessons_Reg 

Tingnan din ang naunang post tungkol dito: https://www.facebook.com/share/p/1D8wQoHTRB/