Focus Group Discussion ukol sa Transit-Oriented Development sa May 23, 2025
May 19, 2025
Tinatawagan ang mga kinatawan mula sa private developers at business sector sa Lungsod ng Pasig!
Sa darating na Biyernes, May 23, 2025, 01:00PM - 05:00PM, ay magkakaroon ng isang Focus Group Discussion (FGD) tungkol sa transit-oriented development. Gaganapin ito sa People's Reception Hall, 3/F ng Temporary Pasig City Hall.
Ang inputs na makukuha mula sa FGD na ito ay gagamitin para sa pagbalangkas ng Pasig City Integrated Transportation and Traffic Route Master Plan. Bilang parte ng FGD, magkakaroon din ng presentations tungkol sa ongoing na pagbuo ng nasabing Master Plan at Transit-Oriented Development sa Lungsod ng Pasig.
Sa mga interesadong lumahok sa FGD, maaaring mag-register gamit ang link na ito: https://bit.ly/PasigTOD o i-scan ang QR code sa material.
Para sa hindi kabilang sa mga nasabing sektor, huwag mag-alala dahil magkakaroon pa ng series ng konsultasyon kaugnay nito!
Mangyaring abangan ang susunod pang anunsyo o updates tungkol sa Transit-Oriented Development at Pasig City Integrated Transportation and Traffic Route Master Plan.