Floating Parks Concept ng Lungsod ng Pasig, Wagi sa Bloomberg Philanthropies 2025-2026 Mayors Challenge
February 24, 2026
Tinanghal ang Lungsod ng Pasig bilang isa sa 24 na siyudad mula sa 20 bansa sa buong mundo na nagwagi sa Bloomberg Philanthropies 2025-2026 Mayors Challenge — isang kumpetisyon na kinikilala ang mga lokal na pamahalaan na nag-propose at nag-pilot-test ng innovative ideas para mapabuti ang essential services na ipinagkakaloob ng mga ito sa mga nasasakupan.
Bukod sa USD1 million mula sa pagkapanalong ito, makakatanggap din ang Lungsod ng Pasig ng paggabay mula sa mga eksperto at karagdagang pondo para kumuha ng mga dedicated staff para maisagawa ang 𝘱𝘢𝘨-𝘤𝘰𝘥𝘦𝘴𝘪𝘨𝘯 𝘯𝘨 𝘧𝘭𝘰𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘵𝘴 𝘴𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘳𝘦𝘴𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵𝘦 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘴𝘪𝘨, 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘨 𝘰𝘱𝘦𝘯 𝘴𝘱𝘢𝘤𝘦𝘴 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺-𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘶𝘯𝘶𝘮𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘯𝘨 𝘬𝘰𝘯𝘦𝘬𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘗𝘢𝘴𝘪𝘨𝘶𝘦𝘯̃𝘰 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘴𝘪𝘨 𝘙𝘪𝘷𝘦𝘳, 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘥𝘪-𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘴𝘵𝘰𝘳𝘪𝘤𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘤𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘢𝘭 𝘴𝘪𝘨𝘯𝘪𝘧𝘪𝘤𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘯𝘨𝘴𝘰𝘥.
Matatandaang isang prototyping day ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig noong September 2025 para masubukan ang konsepto ng floating park gamit ang isang barge. Susi para sa naging tagumpay ng prototyping day, at maging sa pagbuo ng final proposal para sa Bloomberg Philanthropies 2025-2026 Mayors Challenge ang isinagawang series ng consultations kasama ang mga miyembro ng komunidad sa lungsod, partikular sa apat na barangay na malapit sa prototyping area, maging sa mga kinatawan mula sa nasyonal na pamahalaan, non-government organizations, at private sector.
Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa lahat ng naging katuwang nito para mabuo ang konsepto na ito.
Ang pagkapanalong ito ay hudyat ng simula para sa pagsasakatuparan ng floating parks sa Lungsod ng Pasig sa tulong ng mga Pasigueño, mula sa pagpaplano, pagbuo, hanggang sa pag-manage at pag-operate ng mga ito, at iba pang sektor ng lipunan.
—
Ang proposal ng Lungsod ng Pasig ay isa sa higit 630 applications, mula sa buong mundo, para sa nasabing patimpalak na inilunsad noong huling quarter ng 2024.
Mula sa higit 630, napabilang ang Lungsod ng Pasig sa 50 finalists na nabigyan ng technical assistance at nakakuha ng USD 50,000 para i-protype ang innovative idea nito at gamitin ang mga natutunan sa prototyping para maisapinal ang proposal na ipinasa rin noong huling quarter ng 2025.
#PasigCity #UmaagosAngPagasa