Extended ang Application para sa PCNC Logo Making Contest!

August 5, 2026



Hindi pa huli ang lahat dahil maaaring magsumite ng entries para sa 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗣𝗖𝗡𝗖 𝗟𝗼𝗴𝗼 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝘀𝘁 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟭𝟭:𝟱𝟵𝗣𝗠 𝗻𝗴 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟭𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲 (𝗛𝘂𝘄𝗲𝗯𝗲𝘀).
Sa pagkakataong ito, mas marami na ring maaaring lumahok sa nasabing kompetisyon! Mula sa dating bukas lamang para sa mga estudyante, maaari na ngayong sumali ang 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗜𝗚𝗨𝗘𝗡̃𝗢 sa logo making contest ng Pasig City Nutrition Committee!
Kaya simulan na ang inyong artwork at isumite ang inyong logo design para maipakita ang inyong creativity at magkaroon ng pagkakataong manalo ng mga papremyong inihanda ng Nutrition Committee. Bukod sa mga premyo, ang mapipiling disenyo ay maaaring maging opisyal na logo ng Nutrition Committee.
Para sa kumpletong mechanics at submission guidelines, basahin ang orihinal na post o i-check ang link na ito: https://bit.ly/PCNCLogoMechanics.
I-access ang Google Form link na ito para sa pagsusumite ng inyong entry: bit.ly/PCNCLogo2026_2