EVACUATION UPDATE (as of 08:00PM | July 21, 2025)
July 21, 2025
𝐄𝐕𝐀𝐂𝐔𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘
as of 08:00PM | 21 July 2025
Kasalukuyang nakataas na ang RED RAINFALL WARNING sa Metro Manila (as of 08:00PM mula sa PAGASA-National Capital Region PRSD).
Maaaring magdulot ito ng patuloy na pagtaas ng tubig, lalo sa areas na madaling bahain. Kaya naman, pakiusap po sa mga Pasigueño, kung magkaroon po ng order mula sa mga awtoridad na lumikas na po sa pinakamalapit na Evacuation Center, sumunod po tayo.
Hinihingi po ang kooperasyon ng bawat isa kaugnay nito. Huwag na po nating hintayin na kailanganing i-rescue.
Maraming salamat po at mag-ingat po ang lahat!