Evacuation Center para sa mga Naapektuhan ng Sunog sa Brgy. San Miguel
January 10, 2025





Sa tulong ng Barangay San Miguel, agad na nakapag-set up ng Evacuation Center para sa mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng sunog sa Tambakan Dos kahapon, January 9, 2025.
Agarang nagsagawa ng ocular inspection at bumisita ang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa Evacuation Center para kamustahin ang kalagayan ng mga naapektuhan ng sunog. Bukod pa rito, nagkaroon din ng distribusyon ng Hygiene at Sleeping Kits para sa mga ito.