Enroll na sa Libreng Technical Vocational Programs para sa mga Pasigueño!

January 7, 2026

Ikaw ba ay 17 taong gulang pataas na naghahanap ng bagong kasanayan at nais makakuha ng National Certificate II na maaaring magamit sa paghahanapbuhay?
I-check ang post ng Pasig City Skills Development Office para sa kumpletong listahan ng libreng Technical Vocational (TechVoc) programs ng Pasig City Institute of Science and Technology (PCIST) – Bambang Campus! Kalakip sa kanilang post ang schedule ng enrollment para sa TechVoc program na inyong mapipili.

Para sa mga nais mag-enroll, magtungo lamang sa PCIST – Bambang Campus na matatagpuan sa Pio Alvarez St., Brgy. Bambang, Pasig City, at dalhin ang sumusunod na requirements:
- Original Barangay Clearance
- Photocopy of PSA Birth Certificate
- Photocopy of any Valid ID
- Photocopy of PSA Marriage Certificate (for married women only)
- 4pcs 1x1 ID picture with white background (wearing collared t-shirt)
Kaya’t ano pa ang hinihintay ninyo? I-ready na ang inyong requirements at huwag palampasin ang magandang pagkakataon na ito! Libreng training, dagdag na kaalaman, at bagong oportunidad para sa bagong taon!