Energy Check: Alamin ang Calories!
April 16, 2026
Ang tanong ng Pasig City Nutrition Committee: Nagka-𝗰𝗮𝗹𝗼𝗿𝗶𝗲 𝗱𝗲𝗳𝗶𝗰𝗶𝘁 na ba ang lahat? Pero alam ba ninyo kung ano talaga ang ibig sabihin ng terminong ito?
Una, alamin muna natin kung ano ang calories. Ayon sa Nutrition Committee, ang calories ay sukatan ng enerhiya na nakukuha ng ating katawan mula sa pagkain at inumin na ating kinokonsumo araw-araw.
Sa madaling salita, ito ang enerhiyang kailangan ng ating katawan upang tayo ay makapag-isip, makakilos, at magawa ang ating mga pang-araw-araw na gawain.

Ngunit saan nga ba nagmumula ang calories? Basahin ang kanilang original post para malaman kung saan ito nanggagaling at makakuha ng dagdag kaalaman!
