Duck, Cover, and Hold: Makiisa sa 2025 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill!

September 10, 2025

๐ƒ๐ฎ๐œ๐ค, ๐‚๐จ๐ฏ๐ž๐ซ, ๐š๐ง๐ ๐‡๐จ๐ฅ๐: ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐Ÿ‘๐ซ๐ ๐๐ฎ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ซ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฐ๐ข๐๐ž ๐’๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š๐ง๐ž๐จ๐ฎ๐ฌ ๐„๐š๐ซ๐ญ๐ก๐ช๐ฎ๐š๐ค๐ž ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฅ๐ฅ! 

Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagsasagawa ng 2025 Third Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) bukas, Huwebes, September 11, 2025, sa ganap na 04:00PM. 

Inaasahang makikilahok ang lahat ng empleyado at mga bibista sa Temporary Pasig City Hall, RED Training Center, at iba pang pansamantalang lokasyon ng mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, gaya ng Pasig City Sports Center, Tanghalang Pasigueรฑo, Pasig City Revolving Tower, at Mutya ng Pasig Mega Market, sa nasabing aktibidad. 

Kaya naman sa araw ng drill, huwag kalimutan mag-โ€Duck, Cover, and Holdโ€ sa hudyat ng pagtunog ng sirena at magtungo sa mga itinalagang evacuation area pagkatapos ng isang minutong hudyat:

-Temporary Pasig City Hall: open spaces sa paligid ng pasilidad 

-RED Training Center: tapat ng mismong pasilidad 

-Pasig City Sports Center at Tanghalang Pasigueรฑo: Road 2 (tapat ng Old BIR Bldg. at Tanghalang Pasigueรฑo) 

-Pasig City Revolving Tower: tapat ng mismong pasilidad

-Mutya ng Pasig Mega Market: tapat ng mismong pasilidad

Ipinapaalala rin po sa mga empleyado ng Pasig City Hall na huwag kalimutan dalhin ang Government Employee Emergency Go Bag at isuot ang hard hat na ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan. Ugaliin dalhin ang mga ito tuwing may drill upang masanay at maging handa sakaling makaranas ng matinding sakuna gaya ng lindol.

Inaasahan po ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang pakikiisa ng bawat isa.