DOST PAGASA | Bagyong Pepito: Weather Update (as of 8:00PM, November 16, 2024)

November 16, 2024

Tropical Cyclone Bulletin mula sa Dost_pagasa
Bagyong #PepitoPH
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Metro Manila, kung saan kabilang ang Lungsod ng Pasig
• Ayon sa latest forecast, tinatayang magsisimulang maramdaman sa Lungsod ng Pasig ang Super Typhoon #PepitoPH bandang 04:00AM - 05:00AM.
• Magdadala ng malakas na hangin, mataas na wind speed, at malakas na pag-ulan ang bagyong ito na tinatayang mag "peak" o pinakamararamdaman sa Lungsod ng Pasig bandang tanghali o hapon bukas, November 17, 2024.
• Maaaring umabot sa hanggang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 o 5 ang maitataas sa Metro Manila batay sa pinakahuling track ng bagyo.
PAALALA po na forecast lamang po ito at maaring mabago depende sa magiging paggalaw ng bagyo.
Manatiling naka-monitor sa lagay ng panahon. Magkakaroon ng susunod na update nito mamayang 11:00PM.
Bago pa man tuluyang maramdaman ang mga epekto ng bagyo, magsagawa na ng mga kinakailangang preparasyon.
Mag-ingat po ang lahat!
Para sa emergencies, maaaring tumawag sa Pasig Emergency Hotline: 8643 0000.