DOH, DSWD, bumisita sa Evacuation Center sa Rosario Elementary School sa Lungsod Pasig

July 23, 2025

Bumisita sina Department of Health (DoH) Secretary Teodoro Herbosa at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ngayong araw, July 23, 2025, sa Rosario Elementary School na sa kasalukuyan ay nagsisilbing Evacuation Center sa nasa 289 pamilya na binubuo ng 935 indibidwal.

Parte ng pagbisita ang distribusyon ng 289 family food packs mula sa DSWD at patuloy na pagpapaigting ng koordinasyon sa pagitan ng DOH at City Health Department. Chineck din nila ang ilang pasilidad sa nasabing Evacuation Center tulad ng Medical Services at Nutrition Desk, WASH (water, sanitation, and hygiene) Facility, designated area para sa vulnerable sector, Child-Friendly Space, at kinamusta rin nila ang mga kasalukuyang nananatili sa Evacuation Center. 

Naging highlight ng pagbisita ang Child-Friendly Space sa nasabing Evacuation Center, kung saan mga guro ng Rosario Elementary School ang nagfa-facilitate ng activities para sa mga bata na pansamantalang nananatili sa Evacuation Center, tulad ng Word Search, Skip Counting, at iba pa.  

Ang Lungsod ng Pasig ang ikalawa sa lokal na pamahalaan sa National Capital Region na binisita ng mga nasabing kalihim ngayong araw.