Distribusyon ng Internet Connectivity Allowance sa mga Pampublikong Paaralan sa Pasig, Nagsimula Na

July 11, 2025

Sinimulan na ang pamimigay ng one-time Internet Connectivity Allowance (ICA) na nagkakahalagang PHP1,500 kada benepisyaryo mula sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Pasig para sa School Year 2025-2026 noong Lunes, July 7, 2025.
Unang nakatanggap ng allowance ang nasa 19,334 na estudyante at guro mula Kinder hanggang Grade 12 sa mga pampublikong elementary at high schools na kabilang sa Group 1 na ginanap noong July 7-9, 2025.
Aprubado ng Pasig City Local School Board mula pa noong Agosto 2024, layunin ng ICA na tiyakin na may internet access ang mga estudyante, lalo na kung kailanganin ang online learning.
PAALALA:
- Ang listahan ng mga benepisyaryo ay nagmula sa mga paaralan, batay sa mga enrolled na estudyante (as June 16, 2025).
- Hindi po iaanunsyo sa Facebook Page ng Pasig City Public Information Office ang schedule ng pamimigay ng ICA. Ang mga paaralan ang direktang magbibigay ng abiso sa mga estudyante at magulang tungkol sa oras at petsa ng distribusyon.
- Para sa mga parte ng Group 1 na hindi nakakakuha ng ICA sa nakatakdaang schedule ng kanilang paaralan, mangyaring makipag-ugnayan agad sa inyong paaralan para sa proseso at instruction ng pagkuha nito.