Dalawang Tulog na Lang, SPES ISY (College Students) Application na!
June 9, 2026
Handa na ba ang inyong mga dokumento? Kung hindi pa, may oras pa para kumpletuhin ang mga ito bago ang pagbubukas ng aplikasyon sa Huwebes, June 11, 2026, sa ganap na 01:00PM.
Kung nais ninyong magkaroon ng pagkakataong makapagtrabaho bilang intern sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pamamagitan ng Special Program for Employment of Students In-School Youth (SPES ISY), mahalagang mabasa at maunawaan ang mga kwalipikasyon, requirements, at proseso ng aplikasyon.
I-check ang original post para sa kumpletong detalye at gabay sa online application.
Paalala: Ang batch na ito ng SPES ISY ay para lamang sa mga college student na hindi pa nakapag-SPES ngayong 2026 at hindi pa nagsisimula ang kanilang klase sa panahon ng implementasyon ng programa mula July 6-31, 2026.
Kaya naman ano pa ang hinihintay niyo? Ihanda na ang inyong mga dokumento at abangan ang pagbubukas ng online application sa Huwebes!

