Congratulations sa Napiling Pasig Junior City Officials para sa Taong 2026!

August 13, 2026

Mga Pasigueño, kilalanin ang 48 kabataang magsisilbing katuwang ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa paghahatid ng serbisyong publiko bilang Junior City Officials (JCO)! 

Sila ay uupo bilang youth counterparts ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, kabilang ang Mayor, Vice Mayor, Congress Representative, at Councilors, at maging ng mga hepe ng iba’t ibang tanggapan sa loob ng limang araw.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon sila ng pagkakataong matuto at magkaroon ng aktuwal na karanasan sa pamamahala at paglilingkod-bayan. 

Ang Pasig JCO ay parte ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan (LNK) 2026 sa Lungsod ng Pasig. Bahagi ito ng layunin ng lokal na pamahalaan na isulong ang aktibong partisipasyon ng mga kabataan at kilalanin ang kanilang mahalagang papel sa pagbuo ng isang mas maunlad na komunidad. 

Muli, mainit na pagbati sa lahat ng ating bagong Pasig Junior City Officials! 

—

Bagama’t ipinagdiriwang ang LNK tuwing Agosto, ang opisyal na immersion o deployment period ng mga JCO ay gaganapin sa Setyembre. Ito ay bilang pagsasaalang-alang sa Learning and Instructional Block Policy sa ilalim ng DepEd Order No. 009, s. 2026.