Commuter's Guide to Mega Business One-Stop Shop | Silver City 4
January 7, 2026
Heads up, Pasig business owners!
Para sa mga mag-aasikaso ng business renewal at iba pang business registration-related applications, ang pansamantalang main business application hub o Mega BOSS ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ngayong business renewal season ay maaaring puntahan gamit ang iba’t ibang commuting routes.
I-check ang material na naglalaman ng commuting options para sa pagpunta sa Mega BOSS.
Kaya naman, tara na sa Silver City para sa pagproseso ng requirements para sa inyong negosyo sa Pasig!


—
Paalala: Ang registration ng mga bago at ang renewal ng mga negosyo na may updated accounts (walang delinquencies) ay maaari nang iproseso ONLINE, kaya hindi na kailangang pumunta sa Mega BOSS. Bisitahin ang link na ito para makapagproseso online: https://onlinepayments.pasigcity.gov.ph/
Para sa iba pang detalye, gamitin ang naunang gabay na ito para sa business renewal at iba pang business registration transactions para sa taong 2026: https://bit.ly/PC_BusinessApplication_2026