Celebrate National Bike Day in Pasig City!

November 17, 2025

Pasigueños! Sama-sama tayong magdiwang ng National Bike Day 2025 sa darating na Sabado, November 22, 2025, mula 07:00AM hanggang 04:00PM sa People’s Street, Emerald Avenue, Brgy. San Antonio!

Magkakaroon ng Free Bike Lessons and Bike Maintenance Checks mula 07:00AM hanggang 11:00AM. Maaari ring umindak at sumayaw sa Zumba and Stretching Session mula 08:00AM hanggang 09:00AM. Magbubukas naman ang Mini Bike Expo Pop-up Stalls simula 07:00AM, at ang Health and Wellness booths ay bukas mula 09:00AM.

Bukod sa activities sa People’s Street, magkakaroon din ng Kiddie Push Bike Race na gaganapin sa Rizal High School Oval simula 01:00PM. Magkakaroon ng hiwalay na post para rito.

Maaaring mag-preregister sa Free Bike Lessons hanggang 05:00PM ng November 21, 2025 sa link na ito: https://bit.ly/Pasig_FreeBikeLessons_Reg 

Bukas ang selebrasyong ito para sa lahat! Huwag kalimutang magbihis nang komportable at magdala ng bike locks para sa karagdagang seguridad.

Para sa kaligtasan ng lahat, lalo na kaugnay ng lagay ng panahon, hinihikayat ang pagdadala ng extra na damit, towels, at inumin upang manatiling presko at hydrated. Kapag umulan nang malakas, maaaring kanselahin ang mga aktibidad, at maglalabas ng abiso ng pagkansela nang hindi bababa sa isang oras bago ang nakatakdang oras ng pagsisimula.

Sama-sama tayong pumadyak tungo sa ligtas, malusog, at sustainable na kinabukasan!

Kita-kits sa National Bike Day 2025, Pasigueños!

—

Ang selebrasyong ito ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1052, na nagtatakda sa ikaapat na Linggo ng Nobyembre bilang National Bicycle Day — isang araw ng pagpupugay sa pagbibisikleta at pagsusulong nito bilang abot-kaya, healthy, at eco-friendly na mode of transportation.

I-check ang Facebook Page ng Department of Transportation - Philippines para sa posts kaugnay ng selebrasyon ng National Bike Day 2025.

Pasig Transport