Call for Participants | Poster-Making Contest Kaugnay ng World No Tobacco Day sa May 31, 2025

May 9, 2025

Inaanyayahan ang lahat ng estudyante mula sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Pasig na nasa Grade 8 hanggang Grade 12 na ipamalas ang kanilang husay sa sining sa pamamagitan ng pagsali sa Poster-Making Contest, bilang bahagi ng selebrasyon ng World No Tobacco Day sa darating na May 31, 2025.
Para sa taong ito, ang tema ng selebrasyon ay “UNMASKING THE APPEAL: Exposing Industry Tactics on Tobacco and Nicotine Products.” Hinihikayat ang lahat ng nais lumahok na tiyaking may kaugnayan sa nasabing tema ang kanilang mga likhang-sining.
Ang lahat ng artwork ay kinakailangang ilagay sa ½ illustration board. Maaaring gumamit ng acrylic, watercolor, o oil pastel sa paggawa ng artwork. Paalala na unang 50 submissions lamang ang tatanggapin at isang entry per student lamang ang maaaring i-submit – kaya simulan mo na ang iyong likhang-sining!
Para sa mga interesadong sumali, maaaring magsumite ng artwork sa pamamagitan ng google form link na ito: bit.ly/TCOPOSTERMAKINGCONTEST. Kuhanan ng litrato o i-scan ang inyong artwork at siguraduhing malinaw at kita ito ng buo kapag in-upload sa google form.
Kasabay ng pag-upload ng inyong artwork, siguraduhin din na tama ang impormasyon na ilalagay gaya ng inyong COMPLETE NAME, CONTACT NUMBER, SCHOOL, at GRADE LEVEL.
Mula sa mga isusumiteng entries, pipiliin ang TOP 20 FINALISTS na inaasahang magsusumite ng kanilang original artwork sa May 19, 2025 (Lunes), sa Pasig Tobacco Control Office, CHAMP Building, Brgy. San Nicolas, Pasig City.
Para sa kumpletong detalye ng mechanics, criteria, at iba pang impormasyon, tignan ang original post ng Pasig Tobacco Control Office.