Call for Participants | Pasig City Youth Innovation Summit 2026

September 4, 2026



Bukás na ang aplikasyon para sa Pasig City Youth Innovation Summit 2026 na gaganapin sa September 28-30, 2026!
Ang aktibidad na ito ay isang 3-day innovation experience na naglalayong bigyan ang mga kabataan ng pagkakataong bumuo ng mga makabagong ideya na maaaring maging solusyon sa mga problemang kinakaharap natin sa kasalukuyan.
Maaaring lumahok ang mga undergraduate student na edad 18-25 years old sa nasabing summit. Kinakailangan lamang bumuo ng grupo na may tatlo hanggang limang miyembro, at dapat ay mula sa iisang paaralan sa Pasig City.
Kaya naman, lumahok na at ihanda ang inyong innovation proposal dahil may pagkakataong manalo ng hanggang PHP 25,000.00 na startup capital para sa inyong makabagong ideya!
Para sa iba pang detalye tungkol sa aktibidad, kabilang ang mahahalagang petsa, qualifications, requirements, thematic areas na maaaring itampok, at iba pa, tingnan ang orihinal na post ng Pasig City Local Economic and Development Investment Office.
Sa mga interesado, magparehistro na sa pamamagitan ng link na ito: https://forms.gle/KdZXdovHaKunWJuY8 o i-scan ang QR code na nasa orihinal na material.
Kaya naman, kabataang Pasigueño, sali na! Huwag palampasin ang pagkakataong gawing makabuluhan ang inyong ideya para sa Pasig!