Call for Applications | Chairpersons for Centers of Participation on Agriculture and Environment

June 3, 2025

Ibandera ang inyong greenest flag dahil bukas na ang aplikasyon para sa paghalal ng susunod na mga Chairperson para sa Centers of Participation (COPs) on Agriculture at Environment sa ilalim ng Pasig City Youth Development Council (2024-2026).
Tinatawagan ang mga miyembro ng rehistradong Youth Organizations (YOs) at Youth-Serving Organization (YSOs) sa Lungsod Pasig, partikular na ang mga nagtataguyod sa mga usaping may kinalaman sa agrikultura at kalikasan, na makilahok sa halalan.
Para sa mga interesado, sagutan lamang ang application form sa pamamagitan ng link na ito: bit.ly/CallForApplicationsPCYDC
Bukas ang aplikasyon hanggang Biyernes, June 6, 2025, sa ganap na ika-12 ng tanghali.
Nakatakda namang idaos ang halalan para sa pagpili ng mga Chairperson ng COP on Agriculture at COP on Environment bilang bahagi ng YORP Advocacy Blueprint: Seminar-Workshop on Advocacy Building for YO/YSO na gaganapin sa Hortz Hotels and Resorts, Tagaytay sa June 7-8, 2025.
Ang inyong partisipasyon ay isang malaking hakbang tungo sa pagpapalakas ng representasyon ng mga kabataan sa pagbuo ng mga programa at polisiya.
Para sa mga katanungan, mag-message lamang sa official Facebook page ng Local Youth Development Office Pasig City at City Youth Development Council - Pasig.