Bukas na ang Pagbisita ng PS-DBM on Wheels sa Lungsod ng Pasig!

February 23, 2026

Isang tulog na lang, darating na ang PS-DBM on Wheels (PoW) ng Procurement Service–Department of Budget and Management (PS-DBM) sa Lungsod ng Pasig!
Kita kits bukas, February 24, 2026 sa Maybunga Rainforest Park!
Para sa mga hindi nakapagpre-order, huwag mag-alala dahil walk-ins are accepted! Pumunta lang sa venue dahil mayroon pa ring pagkakataon na makapamili ng mga garantisadong mura at dekalidad na common-used supplies and equipment (CSE) para sa ahensya o for personal use.
Samanatala, para naman sa mga nakapagpre-order, ready na for pick-up ang CSE ng client-agencies mula sa Metro Manila at karatig probinsya!
Bukod sa bulk purchasing, tampok din sa PoW ang tingiang pagbili sa Retail Store at sa suppliers’ booths.
Magkakaroon din ng Client Learning Engagement (CLE) para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig upang palakasin pa ang procurement ng lokal na pamahalaan.
Tuloy na tuloy na bukas!
Hatid ang Abot-kayang 𝙋rodukto at Abot-kamay na 𝙎erbisyo, 𝗕𝗶𝗹𝗶 𝗻𝗮 𝗮𝘁 𝗕𝗶𝗹𝗶 𝗽𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗦-𝗗𝗕𝗠!