Bike Boxes sa Kapitolyo Intersection, Hakbang Tungo sa Ligtas at Aktibong Transportasyon sa Lungsod ng Pasig

May 5, 2026



Pasigueños, alam niyo bang bukod sa bike lanes ay mayroon ding bike boxes sa mga kalsada, lalo na sa ilang interseksyon sa Lungsod ng Pasig? 

Ano nga ba ang bike box, paano ang tamang paggamit nito, at bakit mahalagang sundin ang mga markang ito? I-check ang photo na kalakip ng post na ito.

Kaugnay nito, ipinapaalam sa lahat na ang bike boxes sa Kapitolyo Intersection ay mas pinaganda at pinaayos na, matapos ang isinagawang repainting works. Tingnan ang video para sa aerial view. 

Kaya naman, sa mga siklista at motorista, hiling namin ang inyong pakikiisa at pakikipagtulungan, tungo sa mas ligtas at episyenteng paggamit ng mga kalsada! 

—

Ang bike boxes na matatagpuan sa Kapitolyo Intersection ay unang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng City Transportation Development and Management Office (CTDMO), at pakikipagtulungan sa Ortigas Land noong September 15, 2021. Matapos ang repainting works, muli na itong magagamit ng mga siklista. 

—

Ang proyektong ito ng CTDMO (Pasig Transport), katuwang ang City Engineering Office, ay bahagi ng inisyatiba ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng cycling bilang isang mode of active transportation. Nagsisilbi rin itong support facility para sa iba pang programa ng pamahalaan, gaya ng Free Bike Lessons na inihahandog sa mga beginner pagdating sa pagbibisikleta at isinasagawa sa People’s Streets sa lungsod.