Batch 2 Distribution ng ATM Cards para sa Eligible Solo Parents na Benepisyaryo ng Cash Subsidy
February 20, 2026


Sa isang linggo, February 23-27, 2026 (Monday - Friday) magkakaroon ng distribusyon ng Batch 2 ATM Cards kung saan maaaring makuha ang cash subsidy para sa eligible solo parents sa Lungsod Pasig.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ATM cards, mas mapapabilis na ang proseso sa mga susunod pang distribusyon ng cash subsidy. Nauna nang nakapag-distribute ng Batch 1 ATM Cards sa karamihan ng benepisyaryo noong December 2025.
I-check ang material (photo #2) para sa mga paalala tungkol sa magiging distribusyon ng ATM cards. Samantala, nasa photo #3 naman ang schedule at venue ng distribution ng ATM kada barangay.
Para sa listahan ng eligible solo parents na makakatanggap ng Batch 2 ATM cards, makipag-ugnayan po sa inyong Barangay Solo Parent Help Desk Representatives.
Maraming salamat po.