Basta Tatak Pasigueño, Tatak ng Galing at Pag-asa

November 28, 2025


Matagumpay na idinaos ang opisyal na pagbubukas ng Tatak Pasigueño Expo and Market Encounter sa Ayala Malls Feliz ngayong araw, November 28, 2025. Ito ay simula pa lamang ng tatlong araw na pagdiriwang ng galing at husay ng ating mga lokal na negosyante, na magtatagal hanggang sa Linggo, November 30, 2025, mula 10:00AM hanggang 9:00PM.

Tampok sa seremonya ang keynote speech ni Mayor Vico Sotto, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagsuporta sa lokal na ekonomiya. Nagbigay rin ng kanilang mensahe ng suporta at pagbati sina Vice Mayor Dodot Jaworski, 12th Sangguniang Panlungsod ng Pasig Committee on Micro and Small Entrepreneurial Development Chairperson Councilor Volta Delos Santos, City Administrator and Local Economic Development and Investment Office Officer-in-Charge Atty. Jeronimo Manzanero, Gender and Development Office Head Rey Espina, at mga katuwang mula sa Department of Trade and Industry - National Capital Regional Office, Philippine Chamber of Commerce and Industry, Pasig City Chamber of Commerce and Industry, at Pasig City Local Council of Women.

Ang expo na ito ay nagsisilbing plataporma upang ipakita ang de-kalidad na produkto ng nasa higit 50 MSMEs na talaga namang maipagmamalaking Tatak Pasigueño! 

Higit pa rito, ito ay isang pagkakataon para sa ating komunidad na magkaroon ng kaalaman sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng seminars at workshops, matuto sa panel discussions na nagtatampok ng best practices, makisali sa business matching at mentoring, makipag-ugnayan sa networking at fellowship event, at may bonus zumba sessions pa!

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Sulitin ang weekend na ito! Bisitahin ang Tatak Pasigueño Expo sa Ayala Malls Feliz! 

Suportahan ang ating mga lokal na produkto, matuto nang husto, at makisalamuha sa MSMEs ng Pasig!

Dali na, Pasigueño! Ipakita natin ang ating pagmamahal sa sariling atin!

I-check ang iba pang detalye sa Facebook Page ng Tatak Pasigueño!

Naging posible ang Tatak Pasigueño sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa Pasig City Chamber of Commerce and Industry.

#UmaagosAngPagasa #TatakPasigueño #SupportLocal