Bagyong Pepito | Weather Update (as of 11:00PM, November 17, 2024)

November 17, 2024

Tropical Cyclone Bulletin ng Dost_pagasa
Typhoon #PepitoPH
• Ibinaba na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Metro Manila, kung saan kabilang ang Lungsod ng Pasig
• Ayon sa latest forecast, makakaranas ng light to moderate rainfall sa Metro Manila sa susunod na tatlong oras.
• Ang kasalukuyang lokasyon ng sentro ng Typhoon #PepitoPH ay nasa coastal waters ng San Fernando, La Union.
• Unti-unti nang hihina yung epekto ng #PepitoPH sa Lungsod ng Pasig.
• Sa kasalukuyan, nakalabas na ito mula sa kalupaan ng Luzon ngunit nasa coastal area pa rin na malapit sa La Union at Pangasinan.
• Inaasahan na lalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Pepito bukas ng umaga o tanghali.
PAALALA na forecast lamang po ito at maaring mabago depende sa magiging paggalaw ng bagyo.
———————
• Sumunod sa abiso ng inyong barangay officials, lalo na kung kailangang mag-evacuate. Ihanda ang Emergency Go Bags para madaling dalhin kung kailangang lumikas.
• Manatiling alerto at patuloy na i-monitor ang lagay ng panahon. Magkakaroon ng susunod na update nito mula sa PAGASA bukas, November 18, 2024, ng 02:00AM.
• Para sa emergencies, tumawag sa Pasig City Hotline Number 8643 0000.
Mag-ingat po ang lahat!