Awtomatikong Suspensyon ng Klase sa Pasig Tuwing may Yellow Rainfall Warning (July 21, 2025)
July 21, 2025
AWTOMATIKONG SUSPENSION NG KLASE SA K-12, ECCD, AT ALS
Reiteration ng Executive Order No. PCG-48, S 2024
Alinsunod Executive Order No. PCG-48, s. 2024, AWTOMATIKONG SUSPENDIDO ANG IN-PERSON CLASSES mula sa Kindergarten to Senior High School, Early Childhood Care Development, at Alternative Learning System sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Pasig sa pagkakataong magtaas ng Yellow Rainfall Warning ang PAGASA.
Ayon sa 08:00AM Heavy Rainfall Warning ng PAGASA (July 21, 2025), nakataas na ang Yellow Rainfall Warning sa Metro Manila, kung saan kabilang ang Lungsod ng Pasig. Kaya naman magsi-shift sa modular o online classes ang mga maaapektuhan ng suspension ng in-person classes.
____
*Susundin ang protocols ng mga paaralan ukol sa pagpapauwi ng mga estudyanteng nasa paaralan na sa oras ng suspension.