ATM: Day 2 ng Manual Payout ng Cash Relief para sa Tricycle Drivers sa Barangay Pineda at Barangay Santolan

March 18, 2026

Nagsimula na ang ikalawang araw ng distribusyon ng fuel subsidy mula sa nasyonal na pamahalaan para sa mga benepisyaryong tricycle driver sa Lungsod ng Pasig.
Nasa 3,000 benepisyaryo ang target na mabigyan ng cash relief assistance ngayong araw sa dalawang venues ng payout: isa sa District 1 (Brgy. Pineda) at isa sa District 2 (Brgy. Santolan).
Muli, ipinapakiusap sa mga natukoy na benepisyaryo na sikaping makuha ang fuel subsidy sa nakatakdang schedule. Bagamat maaaring magkaroon ng schedule para sa unclaimed fuel subsidy, wala pang tiyak na schedule para rito.


Ang distribusyon ay pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development, bilang parte ng kanilang programang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS.
Sa Lungsod ng Pasig, katuwang nila ang City Social Welfare and Development Office at Tricycle Operation and Regulatory Office sa pagsasagawa ng manual payout.

I-check ang naunang post tungkol sa fuel subsidy mula sa nasyonal na pamahalaan sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1DVL8kgbMD/