ATM: 4th Mega Job Fair
December 10, 2025





Pasigueños! Isa ka ba sa mga nangangarap magkaroon ng trabaho bago matapos ang taon?
Tara na sa Doña Juana Covered Court, C. Raymundo Ave., Brgy. Rosario, Pasig City dahil ginaganap ngayon ang 𝟰𝗧𝗛 𝗠𝗘𝗚𝗔 𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥 na magtatagal hanggang 03:00PM! Dalhin lamang ang maraming kopya ng inyong updated resume at ihanda ang inyong sarili para sa on-the-spot interviews dahil ito na ang pagkakataon ninyo para makahanap ng trabaho!
At para naman sa mga first-time jobseekers, mayroon din tayong First-Time Jobseekers One-Stop Shop para sa mga nais mag-avail ng libreng dokumento na maaari ninyong magamit para sa inyong job applications.
Tingnan lamang ang naunang post tungkol sa 4th Mega Job Fair para sa kumpletong detalye sa link na ito: https://bit.ly/4thMegaJobFair2025
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Punta na sa Doña Juana Covered Court!