ARTA, Nag-inspeksyon sa Pasig City Mega BOSS
January 29, 2026











πππππ ππππ ππππ ππππ, ππππππππ ππ ππππ ππππ ππ πππππππ ππ-ππππ ππππππππππ
Nagsagawa ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) Inspection Team, sa pangunguna ni ARTA Director General Ernesto V. Perez, ng taunang on-site inspection sa Pasig City Mega Business One-Stop Shop (BOSS) na matatagpuan sa Silver City 4, Ortigas East, Barangay Ugong, Pasig City noong Martes, January 27, 2026.
Layunin ng nasabing inspeksyon na suriin kung sumusunod ang Business Permit and Licensing Department (BPLD) ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga itinakdang pamantayan at alituntunin ng ARTA, na nakatuon sa pagpapabilis at pagpapalinaw ng mga proseso upang maiwasan ang korapsyon, partikular sa pagproseso at pag-isyu ng business permits at renewal ng mga ito para sa mga negosyong nagnanais mag-operate sa lungsod.
Bahagi ng pagbisita ng ARTA Inspection Team ang pagsusuri ng Citizenβs Charter ng tanggapan upang maberipika kung ang mga itinakdang proseso ay nasusunod, at kung ang aktwal na tagal ng bawat proseso ay alinsunod sa mga oras na nakasaad dito. Bukod dito, sinubukan din ng ARTA Inspection Team ang Online Business Permit Renewal and Payment System (o eBOSS) ng lokal na pamahalaan upang matukoy kung ito ay maayos na gumagana, madaling ma-access ng publiko, at naaayon sa mga alituntunin ng ARTA.
Matapos ang inspeksyon, isinagawa ang diskusyon tungkol sa naging findings at mga rekomendasyon ng ARTA sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Ito ay ginanap naman sa Temporary Pasig City Hall na dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, kabilang sina Mayor Vico Sotto, City Administrator Atty. Jeronimo Manzanero, at Officer-in-Charge ng BPLD na si Atty. Christian Villar. Kasama rin sa pagpupulong si Director Grace Fernandez mula sa Compliance, Monitoring, and Evaluation Office ng ARTA. Sa naturang pagpupulong, ibinahagi ni Director General Perez ang mga resulta ng inspeksyon sa Mega BOSS, pati na rin ang mga rekomendasyon ng ARTA para sa karagdagang pagpapabuti ng mga proseso rito.
β
Ang mga inspeksyon gaya nito ay mahalagang paraan upang matukoy ng lokal na pamahalaan ang mga aspeto ng proseso ng business registration at permit renewal na kinakailangang pagbutihin pa, para masigurong sumusunod sa RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act, at higit pang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo β sa pamamagitan man ng pisikal o digital na operasyon ng BOSS.