Araw ng Kagitingan 2026
April 9, 2026
Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa paggunita ng ika-84 Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan.
Ang araw din na ito ay parte ng selebrasyon ng 2026 Philippine Veterans Week na may temang “Giting ng Bayani, Pamana sa Salinlahi.”
Sa pangunguna ng Department of National Defense at Philippine Veterans Affairs Office, hinihikayat ang bawat mamamayan na sariwain ang mga alaala at bigyang-pugay ang katapangan ng mga Pilipino na lumaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at nag-alay ng kanilang buhay para sa minimithing kalayaan.
Maligayang Araw ng Kagitingan, Pasigueños!