Aprubado na ang Site Development Plan ng Nagpayong Civic Complex sa bakanteng 2.6-hectare property ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig

June 17, 2025

𝐒𝐢𝐭𝐞 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐏𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐀𝐆𝐏𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐂𝐈𝐕𝐈𝐂 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐗 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐤𝐚𝐧𝐭𝐞𝐧𝐠 𝟐.𝟔-𝐡𝐞𝐜𝐭𝐚𝐫𝐞 𝐩𝐫𝐨𝐩𝐞𝐫𝐭𝐲 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐢𝐠, 𝐀𝐩𝐫𝐮𝐛𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐚!

Mayor Vico Sotto: "Medyo natatagalan tayo rito dahil sa mga isyu, lalo na sa LUPA at right of way. (May sindikato pa nga na nanggugulo at naniningil para sa "membership" at "rights".)

1. Nag-soil test na tayo at tinatapos na alinsunod dito ang Program of Work para sa kasama rito na NAGPAYONG PRIMARY CARE CENTER (ito ay isang 16-bed infirmary na parang mini-hospital). Meron na rin itong Permit to Construct at feedback mula sa DOH.

2. Mula naman sa nasyonal sa tulong ni Cong Roman sa DepEd at DPWH, may budget na ang unang 12-storey school building. 

(Balak din ng LGU magpayo ng pangalawang school building pero pauunahin na natin ito)

3. Susubukan din nating simulan ang iba pang mga gusali sa loob ng terminong ito. Pero itong 2 lang muna pati police substation ang ico-commit ko para sigurado.

(Makikita sa site development plan na bukod sa DepEd School Compound na may hanggang 4 gusali at health facility, meron din itong espasyo para sa police substation, fire substation, public garden area/park/ecacuation area, multipurpose, at CSWDO compound na may SDEC at Bahay Kanlungan Extension.)"

#PasigCity

#UmaagosAngPagasa