Application for Financial Assistance for Bar and Board Licensure Examinees (1st Quarter)
January 16, 2025
Para sa mga PasigueƱo na kukuha ng Bar o Board Licensure Examinations ngayong first quarter (January hanggang March) ng 2025, bukas nang muli ang application period para makakuha ng Financial Assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig!
I-check ang post na ito mula sa Pasig City Scholarship Office para mga detalye tulad ng qualifications at requirements para makakuha ng nasabing financial assistance.
PAALALA: Dapat makapagsumite na ng application requiremenets bago ang inyong examination schedule.
Maaaring mag-sumite ng hard copy ng inyong requirements matapos mag-apply online.
Para naman sa mga nauna nang nag-apply via walk-in, hindi na kailangang mag-apply muli online.
Para sa mga katanungan o concerns, maaaring:
- Magpunta sa tanggapan ng Pasig Scholarship Office sa Pasig City Hall Complex sa Caruncho Ave.
- Magpadala ng email sa scholarshipoffice@pasigcity.gov.ph
-Magpadala ng message sa Facebook ng Pasig City Scholarship Office
-Tumawag sa landline number na: 8643-1111 Loc. 1142
-Telegram Channel: https://t.me/pasigscholarship